Dahil mas masarap pag-usapan ang totoong buhay kesa sa chismis.

Home » Tags

Single Pa Rin?

August 9, 2009

Siguro isa ka sa mga ‘to,


Destiny Addict

 

Ito ‘yung mga taong hinihintay na gumawa ang tadhana ng paraan para pagtagpuin sila ng kanilang mga “soulmates” and whatever. Ayaw kumilos o kung ano pa dahil naniniwala siya na kung sino man ‘yung talagang meant for him/her ay darating na lang bigla sa paraang maaaring hindi niya inaasahan–wow, parang Serendipity.

 

Laging maririnig na nagsasabing: “Dadating din ‘yan. ‘Wag kasing hanapin!”

 

Perfectionist

 

Simula nung magkamalay ang taong ito, nakalista na ang mga bagay na gusto niya sa kanyang magiging boypren/girlpren. Kapag may nakilala siya at nakitang madumi ang kuko, magkadikit ang kilay, may butas sa ngipin, o parang penguin maglakad, wala na. Turn off na ‘yun para sa kanya.

 

Laging maririnig na nagsasabing: “Ok na sana siya e. Kaya lang gusto ko ‘yung ganito…

 

Busy Bee

 

Pasensya na sila pero masyado kang maraming inaasikaso tulad ng libro, bolpen, papel at calculator. Umaalis ka ng 6 am sa bahay at umuuwi ng 7 ng gabi ‘pag weekdays. Pagdating mo sa bahay, gagawa lang ng homework at matutulog na. Masaya ka nang makanood ng TV ‘pag Sabado (at gumawa ulit ng homework). Sapat na sa’yo ang kumain sa labas kasama ang pamilya ‘pag Linggo (at gumawa pa rin ng homework).

 

Laging maririnig na nagsasabing: “Sorry. Wala akong time sa ganyan e.”

 

Friend Forever version 1

 

Kunwari ka pa dyan. Alam mo namang gusto mo talaga ‘yang best friend o special friend mo pero hindi mo lang sinasabi at pinapadama dahil ayaw mong masira ang pagkakaibigan niyong dalawa. ‘Yung tipong ‘pag may kasamang iba ‘yung gusto mo, kunwari ka pang masaya ka para sa kanya pero sa totoo lang, gusto mo na malusaw na parang ice caps dahil sa Global Warming.

 

Laging maririnig na nagsasabing: “I’m so happy for you!” o “Sayang naman ‘yung pinagsamahan namin e.”

 

Friend Forever version 2

 

Wala tayong magagawa pero talagang malapit ka lang sa kabilang kasarian–pero bilang kaibigan lang. One-of-the-boys, ladies’ man. Hindi ka naman homo o bi pero sadyang kaibigan lang ang tingin mo sa mga taong hindi mo kapareho ng chromosomes. Masaya ka nang nakaka-hang-out lang sila, nakakakwentuhan, niyayakap nang walang halong malisya.

 

Laging maririnig na nagsasabing: “May inuman ba mamaya?” (kung babae) o “Hatid ko ba kayo mamaya?” (kung lalaki)

 

Born to be One

 

Single-blessed ka at wala ka nang magagawa kung ganun. :) Nilikha ka siguro para maging mag-isa (pero syempre may pamilya at kaibigan ka naman, duh) hanggang tumanda ka na at ipadala sa Home for the Aged. Marami akong kakilalang mukhang ganito ang patutunguhan at hindi naman sila mga pangit o abnoy talaga. Minsan lang, masyado silang masungit.

 

Laging maririnig na nagsasabing: “Mag-isa ako.”

 

Happy-go-lucky

 

‘Eto ‘yung taong masaya na sa trip-trip lang at kung anu-anong mga happenings. Kahit sino na lang basta no strings attached. For fun lang at walang seryosohan please. Personally, ayoko nung mga ganito. Umaapaw lang siguro ‘yung mga taong ganito sa L. Magbuhos ka nalang ng malamig na tubig sa iyong buong katawan at solb na ‘yan.

 

Laging maririnig na nagsasabing: “I’m not ready to commit e, but I really like you.”

 

Wrong Time

 

‘Eto naman ‘yung mga laging idinadahilan na masyado pa silang bata o kaya masyado na silang matanda. May mga tao raw na ganyan, ‘yung pakiramdam nila laging may tamang panahon para sa pag-ibig. Pero ang labo lang kasi tuwing may pagkakataon naman, lagi nilang naiisip na maling panahon pa iyon. Oo, wrong timing lagi ang pag-ibig para sa kanila kasi madalas sumasakto kung kelan meron silang board exams, problema sa pamilya, o long test kinabukasan. :) )

 

Laging maririnig na nagsasabing: “We had the right love at the wrong time...”

 

Parent Trap

 

Ayaw ni mama o ni papa na magkaboypren/girlpren ang kanilang unica hija/hijo kahit na 22 years old na ito at kumikita na ng sarili niyang pera. Kailangan daw magkaron ka muna ng isang strand ng puting buhok bago may makadalaw sa’yo sa bahay. O kaya, baka ikaw ‘yung may problema dahil natatakot ka sa iisipin ng mga magulang mo tungkol sa taong iyong gusto. Baka kasi sabihin nila na masyado siyang bansot/ matangkad/ baboy/ payatot para sa’yo.

 

Laging maririnig na nagsasabing: “Baka kasi magalit si Papa.”

 

Trauma

 

Dahil sa dami ng mga heartbreak na iyong nadama at emo songs na napakinggan mo na noon, sinumpa mo nang hindi ka magmamahal. Ayaw mo na. Sawa ka na sa paglalaslas ng pulso, este, sa paglalagay ng mga madramang stat message sa YM at pag-iyak ng balde-baldeng luha. Awwwww. >:D< Pwede rin namang masyado kang insecure sa sarili mo kaya hindi ka makapagmatapang na magventure into some love quest.

 

Laging maririnig na nagsasabing: “Pagod na pagod na akong masaktan!” *hikbi*

 

Your Ex-Lover Is (NOT) Dead

 

Yikeeee. Mahal pa rin niya ang kanyang ex at hindi siya maka-get-over the person. Boo. Pilit pa ring inaalala ang mga tawanan, iyakan, at PDA moments nilang dalawa kahit ‘yung ex niya ay nakikipag-(insert verb here) na sa ibang babae/lalaki. Sasabihin mong nakapag-move on ka na pero pag nagkwentuhan tungkol sa pag-ibig, tandadadaaaaan! Siya na naman naiisip mo.

 

Laging maririnig na nagsasabing: “I‘m over him/her...” *tapos iiyak bigla :) )*

 

Ayaw

 

Dalawa na namang kaso ito. Una, ayaw mo lang talaga magka-”someone”. Hindi ko na pipilitin ungkatin ‘yung dahilan pero may mga pagkakataon lang talaga na ayaw mo. Ikalawa naman, baka…ayaw kasi sa’yo nung gusto mo. And that’s the shizzest thing ever! Pwedeng ayaw niya sa’yo dahil may girlpren/boypren siya, busy siya or whatever, o kaya ayaw ka lang niya talaga at wala ka nang magagawa kung ganun. :(

 

Laging maririnig na nagsasabing: “Ayoko pa magkaboypren/girlpren e.” o “Hindi naman niya ako gusto.”



HAHAHA! Laugh triiiiiip! =)) =)) I say these apply in MOST cases. Pwedeng wala ka dyan, o combination ng mga yan. There’s nothing wrong with being single. And I say usually, most girls opt to be single, for varied reasons. Sabi nga nila, single is sexy. ;) Mas may independence. Mas may time to do other stuff. Walang distractions. Walang potential heartaches. :)


Pero I don’t know. Ayoko maging biased. But I say iba parin yung may special someone. Okay biased nga. Kasi di ko na alam yung feeling ng walang someone special na nagpapasaya at nagpapaiyak sakin. =)) =))


Wenks gumaganon. =)) =))




BBF. BFF. BF.

;)
Posted by lostako at 10:54 pm | permalink | comments[1]

Untog.

July 28, 2009


angry-woman-ani_mad

Sa literal na deskripshon, Ito ay karaniwang nangyayari sa mga indi nag-iingat. Pwedeng magka-bukol o duguan ang ulo depende sa impact ng pagkakatama neto sa isang matigas na bagay.

Anu na naman ba’ng koneksyon nito sa buhay naten?

Alam ko marami na sa atin ang nakaranas mauntog mula nung natuto tayong tumayo, lumakad at tumakbo nung mga bata pa tayo. Bata palang at murang-mura pa ang isipan pero ipinapakita na natin ang pagiging independent lalung-lalo na pag pinipilit nating ipaintindi sa mga nanay at tatay na kaya na nating tumayo sa sariling paa kaya indi na nila kailangan pang hawakan ka para marating ang pinto mula sa sala ng mag-isa. Sa umpisa, indi pa maniniwala ang mga ito na kaya mo sa higpit ng hawak nila sa kamay at braso mo habang ikaw naman ay pilit hinihila ang sarili palayo…sasabayan mo pa ng palahaw na iyak. At dahil sensitive ang mga tenga nila at sa gusto ring maipakita sa’yo na mali ka at tama sila….

Bibitiw sila sa pagkakahawak sa’yo.

Ang unang pwersa, mapapadausdos ka pa. Babawi ka para balansehin ang sarili. Isa, dalawa, tatlong hakbang…ayan, nagmamalaki ka na. Ang ganda pa ng ngiti mo. Pang-apat, lima, anim na hakbang…ayun o, una pa mukha mong tumama sa sahig sa pagkawala ng balanse, apat pa sanang hakbang palapit sa pinto.


At sa pagkakadapa mong yun, subsob ang mukha at nauntog pa, ayun si nanay tatakbo palapit para yakapin ka at the same time sisihin kasi ang kulit mo, tapos yayakap-yakapin ka na. Si Tatay naman, sasabihan si nanay kung bakit kasi binitiwan ka pa eh alam niya namang yun ang mangyayari kasi indi mo pa kaya.

Ang daming iwas-untog sina nanay at tatay. Maraming bawal. Laging dapat ganito, dapat ganyan.


Minsan naiisip natin, siguro past life nila eh Psychic sila kasi nai-imagine mo palang ang isang activity o bagay na gusto mong gawin at puntahan eh eto sila at nililitanya na ang mga do’s and don’t’s of a teenage life na parang may librong pinagkukunan. Bitter-bitteran ka dyan sa sulok habang iniisip na siguro indi nila na-enjoy ang kabataan nila kaya sila sobrang kulang na lang  eh ilagay ka na rin sa hawla habang nakatali ang leeg kasi parang ganun na rin sa pakiramdam yung ginagawa nila dahil sa dami ng indi pwedeng gawin.

Para lang wag kang mapahamak.


Lahat naman talaga tayo, dumaan sa iisang proseso ng madugong “curiousity stage”. Kanya-kanyang diskarte yan habang nakapila. Pagdating mo kasi dun, sanga-sanga na yan eh. Lahat ng klase ng pwedeng eksperimentuhin, andyan lahat. Abot-kamay mo, samantalahin mo na habang wala sina nanay at tatay. Habang indi nila nakikita at walang pwedeng magsabi sa’yo na masama ito at magdudulot ito ng malakas na impact sa future mo. Ika nga eh, “Enjoy it while it lasts.” Sige lang, enjoy pa ang tropa eh. Ang saya, ganito pala ang pakiramdam ng walang nagbabawal at pwede mong gawin ang lahat ng gusto mo.

Meron pa nga dyan, sumisingit sa pila. Nagmamadaling makapasok at maisalang. Kahit na meron pang mahabang panahon bago sana nila pasukin ito eh, nagpupumilit nang makasubok. Sila tuloy ang kadalasang nabibiktima ng mga aksidente.

Aksidenteng makapag-asawa ng maaga. TEEN-MARRIAGE

Aksidenteng malulong sa mga bisyo. drug_addiction_

Aksidenteng mabuntis ng wala sa oras. pregs

At mga aksidenteng pwedeng buhay ang kapalit. accid

Sana isa sa mga litanya na pinaaalala sa atin nina nanay at tatay eh yung…


Alam mo anak, ang buhay natin walang eraser o liquid paper na kapag nagkamali ka, anytime pwede mo itong burahin. Pwedeng magsimula ulit, oo. Pero marami nang pagbabago na kailangan mong harapin at tanggapin.” (Sana binanggit ni mama yung tungkol jan sa liquid paper na yan :(   diba)


Yang pila na yan na pinilahan ng lahat…lahat tayo napahinto sa ilang sanga na meron ang teenage life. Ito yung tinatawag nilang “kalakasan days” eh. Yung ilang mga dinadahilan na, “tao lang ako”, “charge it to experience”, “enjoy life to the fullest” at kung anu-anu pa na pwedeng ipalusot kapag gumagawa ng kalokohan. Ito yung delays sa byahe. Dahil yung ilang taon natin sa pagiging teenager, yun yung panahon na stranded pa tayo. Meron namang iba na tumutuloy pa rin sa byahe. Meron, tumuloy na sa byahe at mas malayo pa ang narating at meron ding nag-enjoy na mashado sa pagkaka-stranded, kinarir na ito ginawa pang kumikitang pangkabuhayan.


Marami nang nauntog at nabagok dito (duguan na nga yung iba eh hehe..). Shempre, sa sobrang excitement at enjoyment na nararamdaman, minsan nakakalimot tayo sa mga paalala. Pag andyan na at nagbunga na ang pagkakamali, from feeling super matured ang isip…back to reality na,

Bata pa ako.

Hindi pa ko ready sa ganito.

Marami pa kong gustung marating.

Gustu ko pang makabawi kina nanay at tatay.

UNTOG pa rin ang makakapagpabalik sa atin sa realidad.

Ang masakit sa untog na ito, na-wrong move ka na eh…wala nang bawian. Parang papel na ginupit, indi mo na ito maikakabit. Pwede mong ipagdikit ng scotch tape, pero makikita at makikita pa rin yung punit. Markado na. At ang mga bukol at marka na ito ang siyang magsisilbing aral sa atin para ituwid ang buhay natin at ng mga magiging anak natin.

Kaya pala parang Psychic sina nanay at tatay.

Indi man lahat sa kanila ay nagkamali, dinaanan nila iyon at nakita. Ang mga buhay ng ilang kaibigan at malapit sa kanila na nasira at pinabayaan.

At sinu ba namang magulang ang gustung mapariwara ang buhay ng anak????

So far, wala pa naman.

Lahat ng magulang, ginagawa ang lahat pati na ang imposible para lang sa kanilang anak. Kaya sana bilang mga anak, makita natin ito indi bilang isang magulang na sinasakal o minamanipula ang buhay natin. Sa kagustuhan nilang maging maayos ang buhay at mailayo sa ka-chorvahan nito, napagkakamalan nating ayaw lang nila tayong sumaya.

Ang lahat ng sobra ay masama. Alam na natin ‘yan.

Kaya para sa mga matitigas ang ulo at nag-eeksperimento ng kung anu-anu….

Ayusin mo buhay mo.

:P

Posted by lostako at 9:53 pm | permalink | Add comment

Naapakan ba kita? Sorry ah..

July 24, 2009

Ano ba ang mas masakit?

 

Literal na naapakan?

O…

Ang mga salitang totoo man o indi na pawang nagpagulung-gulong sa buo mong pagkatao?

Maraming ibig sabihin ang salitang apak. Indi ito simpleng alay-lakad o party ng mga tsinelas at sapatos. Isa ito sa ugat ng napakaraming isyu na mas madalas gawin kesa pag-usapan.

In all fairness, parehong masakit ang literal na matapakan at mapagtulungan ng mga salita at gawa lingid sa kaalaman mo…mas malala kung alam mo ito at pinababayaan mo lang.

Kadalasan, ang mga lalaki at mangilan-ngilang babae ang mas gusto ng apakan sa pisikalang paraan. Para wala nang mashadong salitaan at matapos na ang lahat in a matter of 30 minutes to 1 hour depende kung sinu unang mapagod. Anyway, pagkatapos naman nito, parang wala nang nangyari at balik na ulit sa dati, ang importante lang eh mailabas lang yung pangangati ng mga kamao at mabasag na ang mababasag dahil yun naman ang highlight ng usapan.

Para sa kababaihan, ang usapang apakan ay katulad ng ibang mortal sin na kailangang dumaan sa napakaraming proseso. Simula sa salitaan, parinigan, chismisan, kampihan, iringan, dedmahan, at sa iba—pisikalan. Pwedeng mauwi sa pag-aayos at kung minsan naman ay binabaon na sa limot.

Naapakan ka na ba? Maliban nung sinuot mo yung bago mong sapatos  na bago matapos ang araw ay indi mo mabilang kung ilan ang buminyag nito sa apak. Lahat talaga ng bago ay kailangang mabinyagan, yan ang culture sa atin. Basta ang isang bagay na kalalabas lang sa plastic  at wala pang marka ng gasgas — asahan mo, marami na ang bibinyag dyan.

Sa buhay natin, marami tayong makikilala. Ang iba sa mga ito magiging kalapit natin, kaibigan, ka-close kumbaga. Ang iba naman… iba ang trip, depende sa gusto at hilig nila. Dun tayo magpokus sa mga “Big Foot.”

Siguro naman may nakilala ka ng Big Foot sa iskul.

Sila yung mga pinanganak na may imprentahan ng pera at mga kutis mayaman at aware sila sa mga bagay na ito kaya bigay todo sila sa pang-aapak ng ibang mga kaklase na para sa kanila ay pwede nang ihilera sa mga yaya niya. Indi ko naman nilalahat. Shempre, meron pa rin namang mababait na tulad nila, pero aminin natin…konti lang talaga. Kung ikaw ang tipo na pang-drama, yuyuko ka na lang pag inaapi ka. (Wag tularan) Dapat ikaw yung tipo na mambabasag ng mukha pag tinangka ka niyang ihilera sa mga yaya niya when in fact, ang lebel mo eh pang-mayordoma. :lol: Alam naman natin na pag usapang basagan lalo na ng mukha eh, tumitiklop na ang mga yan na parang makahiya.

 

May Big Foot din shempre sa neighborhood.

Ang Pamilya Zaragoza, kine-claim nilang mayaman sila pero dun din naman nakatira sa hood na tinitirahan nyo, diba dapat kung mayaman eh BF Homes, Ayala-Alabang-Forbes Park? Yung pag me bagong gamit eh kulang na lang mag-anawnsment sa buong barangay na parang Oplan Alis Disis, samantalang naka-jumper naman ang kuryente at kung susumahin ang yaman nila at ng pamilya n’yo…Mas mayaman lang naman sila ng isang libo sa inyo. :lol: Ika nga sa Sprite commercial…“Magpakatotoo ka!” Sabi nga nila, pag indi pinansin…mapapagod din ito ng kusa at titigil na rin sa ginagawa. Mauubos rin yung isang libo nila at papantay na rin kayo ng yaman.

 

Sa trabaho naman, walang excitement pag walang Big Foot in da haus.

Sila yung mga matatagal na sa trabaho, sipsip sa management, ninong sa kasal yung may-ari kaya yung power nila sa kumpanya ay overwhelming na para bang malaki ang stocks niya sa kumpanya. Pag ikaw na bago ang siyang pinag-initan…indi ito titigil hangga’t indi ka nagde-decide na mag-resign, kulang na lang ipag-type ka pa niya ng resignation letter. Nakakainis sila diba? Yung kutuhan sa kalsada dinadala pa nila sa opisina. Kung mahina ang loob mo, aalis ka talaga. Minsan ang mga ito, kailangan nilang makompronta at magkaron ng taong indi magpapatinag sa kanila. Pag nagawa mo yun, titigilan ka na rin nila at hahanap na lang ang mga ito ng pwede nilang paglaruan.

 

Sa mga common acquaintances, shempre indi rin mawawala ang manaka-nakang pambi-Big Foot ng ilan.

Meron dyan, ang intro parang humble. Sa una-pangalawa-pangatlong meeting humble talaga…nakaka-elib. Ang galing, meron pa palang ganun pero yun pala pag tagal sa ibang paraan, Big Foot din pala. Dinadaan sa wentong pang hanging habagat, summer na summer ang paligid eh parang biglang gusto mong kunin yung jacket mo sa lamiiig ng usapan.

Dapat dyan, wag mo na lang pansinin tutal naman, wento lang. Shempre pag personalan na, ibang usapan na yan. Maghanap na lang siya ng pwede niyang apakan. 

Me ibang Big Foot na gusto nila, iba ang arrive nila. Yung tipong unang kita palang kailangang maka-intimidate na sila. Ifa-flash sa’yo yung mga gamit niya pero shempre pa-humble – pahinhin para mas nakakabilib talaga pero isang paraan pala ito para takpan yung totoong ugali nila. Mahilig silang magsalita ng indi magandang bagay sa iba in a nice way. (meron ba nun?) At pag may ginawa kang against sa kanila, kailangang pagsisihan mo ito kahit naman alam mong tama lang naman ang sinabi mo. Meron silang espesyal na paraan ng pangto-torture ng feelings hanggang sa magtanda ka.

Tara nga’t i-peel off natin yang maskara nila para malaman natin kung kulay ginto nga bang talaga ang mga bungo nila. :lol: Ang mga ganitong tao, indi binibigyan ng importansya. Yan ang sikret. Pag alam nilang indi sila importante sa’yo, wala nang rason para magkita pa kayo diba? ;) Parehong masaya ang layf n’yo.

Meron ding mga Big Foot na mukhang paa na dahil underdog sila sa halos kalahati ng buhay nila, nung nagkaron ng pagkakataon…mas matindi pa sila sa karaniwang big foot natin d’yan. Lahat naman ata ng tao pag nabigyan ng power over someone or something, nao-overwhelm at umaabuso.  Nabubulag. Nakakalimot.

Ang mga germs na ito,  indi binebeybi…kini-kill lang. :lol: Seriously, dinededma lang. Pag mas marami kasi ang bumebeybi sa pag-uugali, pakiramdam nila it looks good on them. Nasasanay. Humahaba ang sungay. Kaya dapat malaman din nila na indi magandang pinagpapareha ang striped shirt at printed pants kahit gaano pa ito kamahal.

Mahilig ako mam-Big Foot…ng mga Big Foot. Inaapakers ko sila para mabawas-bawasan naman. Dati yon. Ngayon, indi na mashado. Observer na lang ako. Nagmimiron na lang kasi napag-isip-isip ko na Time is Gold. Marami pa kong pwedeng gawin sayang lang ang oras ko sa kanila.

Kaya sa susunod na may maka-engkwentro kayong mga Big Foot along the way…wag na kayong makipagtagisan ng galing sa kanila kasi pag ginawa mo yun, talo ka pre. Makakabuti para sa lahat na wag na itong pansinin (pag kinakailangan lang hehe..) at ipagdasal na lang natin na sana magpatuloy pa rin ang blessings para sa lahat. Kasi kung mag-iisip pa tayo ng masama para sa kanila, madadagdagan lang ang kasalanan natin diba? 

Hangga’t nasa tama ka…dyan ka lang. k?

Posted by lostako at 7:29 pm | permalink | Add comment